LOLONG NABIKTIMA NG MISTAKEN IDENTITY, SINAKLOLOHAN

PINATITIYAK ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes sa mga awtoridad na hindi na mauulit ang maling pag-aresto at pagkulong sa 81-anyos na si Prudencio Calubid Jr.

Ayon kay Ordanes, dapat nang magkaroon ng reporma sa proseso ng pag-aresto ng mga awtoridad at binanggit niya ang pagkakaroon ng “identity verification.”

Umaasa rin ang mambabatas na nagbigay ng matinding leksyon sa mga awtoridad ang maling pag-aresto kay Calubid Jr.

“Ang pagbibigay ng hustisya ay hindi lamang ukol sa pagpaparusa, ito ay pagbibigay proteksyon sa mga inosente,” diin ni Ordanes.

Duda ng mambabatas, dahil sa pabuya kaya naging agresibo ang mga pulis at hindi na inalam nang husto ang pagkatao ng kanilang inaresto.

Anim na buwan nakulong si Calubid Jr., nang arestuhin siya matapos mapagkamalan na siya ang hinahanap na consultant ng National Democratic Front of the Phils. (NDFP).

Ipinag-utos ng Court of Appeals ang pagpapalaya kay Calubid Jr., base sa apela ng kanyang pamilya. Pinasalamatan ni Ordanes ang CA sa pagbibigay ng hustisya sa matanda at napigilan ang matagal na pagkakakulong ng isang inosente.

31

Related posts

Leave a Comment