LUISTRO: KATOTOHANAN MANANAIG SA IMPEACHMENT VS VP SARA

IGINIIT ni House Committee on Justice chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro na katotohanan at pananagutan ang dapat manaig sa pagpapatuloy ng impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang opening statement, binigyang-diin ni Luistro ang kahalagahan ng pagiging tapat sa proseso sa kabila ng panawagan ng kampo ng Bise Presidente na maging maingat ang komite.

Ayon sa mambabatas, lumalawak na ang saklaw ng pagdinig mula sa mga discrepancy sa SALN at mga kuwestyonableng transaksyon, patungo sa usapin ng karakter ng opisyal.

Kahapon ay sinuri ng House Committee on Justice ang mga video at pahayag na isinumite ng National Bureau of Investigation kaugnay ng umano’y mga banta noong 2024 laban kina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Luistro na magsisilbing batayan ang mga ebidensya sa pagpapasya kung iaakyat ang reklamo sa plenaryo para sa posibleng Senate trial.

‘Kill threat’ Video Tunay —NBI

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na authentic at walang indikasyon ng manipulasyon ang kumalat na video ni VP Duterte na naglalaman ng umano’y banta laban sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Sa pagdinig ng House Committee on Justice, sinabi ni NBI Agent John Mark Calilung na sumailalim sa forensic examination ang video sa ilalim ng Affidavit of Authentication of Digital Evidence.

Nilinaw ng ahensya na hindi edited, spliced, o gawa ng artificial intelligence ang nasabing footage.

Ipinaliwanag ng NBI na gumamit sila ng hash value computation o digital fingerprint upang matiyak na hindi nabago ang file.

Kinumpirma rin na ang kopyang hawak ng komite ay bahagi ng opisyal at authenticated records ng ahensya.

Ayon sa mga mambabatas, itinuturing ang development na mahalagang bahagi ng ebidensya sa impeachment case laban sa Bise Presidente.

(TINA MENDOZA)

66

Related posts

Leave a Comment