DUMAGSA ang mga tagasuporta ng mga pambatong senador ni dating pangulong Rodrigo Duterte na tinaguriang DuterTEN noong Linggo, Mayo 4.
Ikinatuwa rin ng mga tagasuporta ang pagdalo ng mag-inang Kitty at Honeylet Avancena na personal na ikinampanya ang sampung senatoriables na kinabibilangan ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez.
Kabilang sa mga inilatag ng mga pambatong senador ang pagpapalakas ng imprastruktura, serbisyong pangkalusugan, seguridad, at patuloy na kampanya kontra katiwalian.
Kaugnay nito, itinuturing na patunay ng buong pusong suporta ng pamilya Duterte sa PDP-Laban at sa mga kandidatong inendorso ng dating pangulo ang presensya nina Kitty at Honeylet.
Sa kanyang pagsasalita, pinaalalahanan ni Kitty ang mga botante na bantayan ang kanilang boto.
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
