SOCIAL MEDIA REGULATION TUWING ELEKSYON INIREKOMENDA

INIREKOMENDA ni Comelec Chairman George Garcia na pag-aralan ng Kongreso na magkaroon ng batas na bibigyang kapangyarihan ang poll body na i-regulate ang paggamit ng social media sa panahon ng eleksyon.

Sa pagdinig ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zone, sinabi ni Garcia na malaking problema sa ngayon ay ang pagkakalat ng misinformation at disinformation sa social media.

Babala ni Garcia na posibleng lumawak pa ito hanggang sa panahon ng presidential elections sa 2028.

Ipinaliwanag ng opisyal na sa panahon ng eleksyon ay may kapangyarihan sila na iregulate ang paggastos ng gobyerno, ang social services, ang public works at iba pang hakbangin subalit sa social media ay tila palagi silang nakikiusap.

Kasabay nito, kinumpirma ni Garcia na tinatarget na rin sila ng ilang troll farms upang sirain ang kredibilidad ng isasagawang halalan sa Mayo 12.

Lumilitaw anya na ang operasyon ay upang ikondisyon ang utak ng netizens na may kwestyon sa krebilidad ng isasagawang halalan.

(DANG SAMSON-GARCIA)

33

Related posts

Leave a Comment