MEDIA LITERACY CAMPAIGN NG GOBYERNO, BITIN PA SA DETALYE

HINDI pa kuntento si Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa inilunsad ng administrasyon na Media and Information Literacy Campaign Project.

Layon ng kampanya na labanan ang fake news sa pamamagitan ng pagtuturo sa publiko sa pagtukoy ng peke kontra sa totoong mga balita o impormasyon.

Sinabi ni Pimentel na mahalagang malaman kung sino ang magiging tagapaghatid ng katotohanan o totoong balita sa ilalim ng camping project.

Tanong din ni Pimentel kung ang mga taga-Presidential Communication Office o PCO na magpapatupad ng proyekto ay sinanay sa paghahatid ng katotohanan at kung ang nagsanay sa kanila ay may kredibilidad bilang tunay na source ng tamang impormasyon.

Sinabi ni Pimentel na ilan lang ito sa mga katanungan at mga detalye na mahalagang malaman sa campaign project upang matiyak na maayos ang implementasyon nito.

Una rito, sinabi ng PCO na magiging kapartner nila sa kampanya ang Department of Education, Commission on Higher Education, Department of the Interior and Local Government at

Department of Social Welfare and Development.

Magiging katuwang din nila ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa comprehensive execution plan kung saan tutukuyin ang ugat ng paglipana ng fake news. (Dang Samson-Garcia)

245

Related posts

Leave a Comment