MAHIGIT anim na taon nang mag-asawa sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Ayon sa aktres ay maraming beses nang nagkaroon ng pagsubok sa kanilang pagsasama.
“Many times na talaga, Tito Boy. Sa marriage kasi marami talaga ‘yung mga hindi pagkakaintindihan at saka kasabay ko nga din siya nagma-mature. Kasabay din niya ako nagma-mature doon namin mas nakikilala ang isa’t isa kung paano kami sa relasyon namin,” pagtatapat ni Melai.
Aminado ang Magandang Buhay host na mayroon siyang artistang pinagseselosan dahil hinahangan ito ni Jason. “Ivana Alawi, ako naman si Ivana Mulawi,” pabirong pahayag ni Melai.
Matatandaang pinagselosan din ni Jason si Carlo Aquino nang makatambal si Melai sa teleseryeng We Will Survive noong 2016.
“Ang hirap kasi i-explain kasi dahil iisipin ng ibang tao trabaho lang. So maaaring sa inyo trabaho lang o maliit na bagay, maaaring sa akin hindi ‘yon. Kahit pa sa lalaki, sabihin mo na ganyan, taping ‘yan di ba? Pero nandoon kasi ‘yung contact ng isang lalalki sa babae. So doon mo makikita ‘yung respeto talaga ko sa kanya, asawa ko na siya eh,” makahulugang paliwanag ni Jason.
Ayaw magkaroon ng katambal ng aktor sa mga proyektong ginagawa upang hindi rin daw mapaisip nang masama si Melai. “Hindi, bilang respeto ko sa kanya. Doon kasi magsisimula ‘yung bago pa mangyari ‘yung problema, iniisip ko na kaagad kung ano ang magiging mararamdaman niya. Bilang ako iniisip ko kung magka-love team ako iisipin ko hindi lang ako, hindi lang trabaho, iisipin ko anong mararamdaman ni Melai,” pagbabahagi ng aktor.
Maayos ang pagsasama ngayon bilang mag-asawa nina Melai at Jason sa piling ng mga anak na sina Amelia Lucille at Stella Rosalind. Maraming mga bagay na raw ang natutunan ng mag-asawa mula sa mga pagsubok na kanilang naranasan. “Lesson learned sa amin ni Tito Boy dahil mas nakilala namin ang isa’t isa dahil doon sa pagsubok na ‘yon. Noong nalaman ko na, ‘Ay! Gano’n pala ang naging impact sa kanya.’ After no’n naging sensitive na talaga ako. Mas na-realize ko kung gaano ako ka-strong and gaano ako ka-mature mag-handle ng problem,” paglalahad ng aktres. With reports from J.C.C.
