P5K CHALK ALLOWANCE IBIBIGAY SA MGA GURO SA LUNES

TINIYAK ni Education Secretary Sonny Angara na ipalalabas ang P5,000 “chalk allowance” para sa mga guro kasabay ng pagbubukas ng klase sa Hulyo 29, Lunes.

“Pagkabukas ng klase, may allowance na si teacher para iyong pangangailangan, iyong pagkukulang doon sa kanyang classroom, pwede niyang punan o dagdagan,” aniya pa rin.

Sinabi pa nito na ang cash allowance ay tax-free.

Madaragdagan pa aniya ito at magiging P10,000 sa susunod na taon.

Nauna rito, ganap nang batas ang panukalang magtataas sa P10,000 teaching allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang RA 11997 o Kabalikat sa Pagtuturo Act sa Palasyo ng Malacañang.

Sa ilalim ng batas, mula sa P5,000 ay gagawin nang P10,000 ang taunang teaching allowance ng mga guro na maaaring gamitin sa pagbili ng teaching supplies at materials tulad ng chalk, incidental expenses, at iba pang gastos kapag nagtuturo.

Dahil dito, ani Angara, isa sa may akda ng batas sa Senado, hindi na kakailanganin pang mag-abono ng guro sa pagbili ng ilang kakailanganin sa kanyang pagtuturo. (CHRISTIAN DALE)

98

Related posts

Leave a Comment