(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY KIN LUCAS)
MALABO pa kung makapagpapatupad ang Manila Water Company ng refund sa mga consumer sa ilang linggong walang tumulong tubig sa kanilang gripo.
Sa pagdinig ng House Oversight Committee on Metro Manila, kinumpirma ni Manila Water president and chief executive officer Ferdinand Dela Cruz na magbabayad ang kanilang mga customer kahit na walang dumadaloy na tubig sa mga gripo subalit wala pang napag-uusapan para sa refund dahil sa ngayon ay nakatuon ang kanilang atensyon sa water restoration.
Sinabi ni Mandaluyong City Rep. Quennie Gonzales na dapat ikonsidera ng Manila Water ang rebate o discount lalo sa buwan ng Marso o sa kung hanggang saan aabutin ang nararanasang krisis.
“As early as in the night of March 7, 2019, Mandaluyong City was made to endure the catastrophe and the disaster of this water crisis. It has turned the routine of our lives upside down. And despite the promises made by Manila Water of relief from this crisis, situations in some areas up to now still has not improved. Residents remain sleepless – still waiting, begging and crying out for water,” pahayag ni Gonzales.
Giit ni Gonzales, patas lamang na hindi na magbayad ang mga customers ng Maynilad na naapektuhan ng water shortage.
Samantala inamin naman ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System(MWSS) Chief Regulator Patrick Ty na walang kapangyarihang magpataw ng penalty ang MWSS laban sa Manila Water at ang tangi lamang na magagawa ay pagbasehan ang performance ng kumpanya na makaaapekto sa kanilang pagtaas ng singil sa tubig pagsapit ng 2022.
Tugon naman ni dela Cruz na handa ang kanilang kompanya na harapin ang anumang parusang ipapataw sa kanila.
140