FLOOD CONTROL PROGRAM, MAY PONDO NA SA 2027 BUDGET

MULA sa zero budget noong 2026, pinaglaanan na ng P107.4 bilyon ang flood control program sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP).

Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon, kailangan nang pondohan ang mga flood control program dahil may mga proyektong kailangang ituloy ng pamahalaan.

Sa nasabing alokasyon, P19.6 bilyon ang nakalaan para sa capital outlay, habang P3.41 bilyon naman ang para sa flood control programs ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang ang maintenance at operasyon ng mga flood control structure gaya ng pumping stations.

“Hindi maaaring pabayaang nakatiwangwang ang mga nasimulan nang proyekto. Ngayon, panabon ng nag-uulan, nakita natin yung kahalagahan na magkaroon ng maayos na flood control projects, kaya sa 2027 NEP ay kinonsidera ang pagbalik ng alokasyon para sa flood control,” paliwanag ni de Leon.

Matatandaang dahil sa kontrobersiya sa flood control projects, kung saan nabunyag ang umano’y mga ghost project, ipinatupad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang zero budget para sa flood control noong nakaraang taon.

Tiniyak naman ng DBM na magpapatupad ng mga “safeguards” upang matiyak na mailalaan sa mga aktuwal na proyekto ang pondo at hindi na maulit ang problema sa mga ghost project.

“Kasama rin sa ating mga bubusisiin ay ang implementation ng mga flood control projects na ito. From appropriations to release, this will be made public sa pamamagitan ng ating Compass and their implementation will be closely monitored sa pamamagitan ng transparency portal ng DPWH, gayon din ng Project DIME ng DBM o yung tinatawag natin Digital Imaging for Monitoring and Evaluation,” paliwanag ni de Leon.

(TINA MENDOZA)

160

Related posts

Leave a Comment