UV EXPRESS GAGAWIN NA RIN P2P — LTFRB

uv express12

(NI JEDI PIA REYES)

HINDI na pupuwedeng magsakay at magbaba ng mga pasahero kung saan naisin ng drayber ng mga sasakyang UV Express.

Ito ay dahil gagawin nang Point-to-Point o P2P ang operasyon ng UV express vehicles, batay sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Nakasaad sa Memorandum Circular No. 2019-025 na pirmado ni LTFRB Chair Martin Delgra at may petsang Mayo 15, maaari lamang isakay at ibaba ng UV express units ang mga pasahero sa mga “designated terminal”, base sa rutang nakasaad sa kanilang Certificate of Public Convenience (CPC).

Ang mga sasakyang UV express ay pagbabawalang magsakay at magbaba ng mga pasahero saanmang lugar na nasa pagitan ng mga itinalagang terminal.

Ang nasabing memorandum ng LTFRB ay nagbubuwag sa 2-kilometer radius end points para sa UV express units kung saan sila pwedeng magsakay at magbaba ng mga pasahero.

Napansin ng LTFRB board na hindi nagagamit ang mga itinalagang terminal kaya nagdudulot ng walang disiplinang loading at unloading ng mga pasahero.

 

192

Related posts

Leave a Comment