MILF COMMANDER PATAY, 2 ANAK SUGATAN SA SAGUPAAN

MAGUINDANAO DEL SUR – Patay ang isang Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander habang malubha namang nasugatan ang dalawa niyang anak na lalaki sa nangyaring barilan noong Huwebes ng hapon sa Barangay Ganta, bayan ng Shariff Saydona Mustaph, sa lalawigan.

Ayon kay Lt. Col. Jopy Ventura, PNP Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PROBAR) spokesperson, sangkot sa nangyaring barilan ang Buisan family, na suportado umano ng MILF Task Force Itihad, at ang pamilya ni Kagi Fahad Sapal, na sinasabing sinuportahan naman ng MILF 105th Base Command.

Kinilala sa ulat ang napatay na isang Commander Bandao ng 105th Base Command, habang sugatan naman ang dalawa nitong anak na lalaki na itinakbo sa isang local hospital para sa medical attention, ayon pa sa ulat.

Ayon sa pulisya, nag-ugat ang sagupaan bunsod ng matandang hidwaan sa pagitan ng dalawang MILF-affiliated groups.

Tinututukan ng PNP at maging ng Armed Forces of the Philippines ang pangyayari para maiwasang lumala ang sitwasyon o mauwi sa madugong gantihan.

(JESSE RUIZ)

60

Related posts

Leave a Comment