MPD OFFICIAL HINAHANGAAN SA PAGIGING MAKA-DIYOS AT MAKATAO

TUNAY na lingkod-bayan na may malasakit sa kapwa at sa kanyang komunidad.

Ganito kung ilarawan si Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station Commander ng Meisic Police Station 11 dahil sa kanyang pagiging huwarang lider at tagapag silbi sa bayan.

Si Mupas ay hindi lamang nagsisilbing gabay sa kanyang pinamumunuang unit sa kapulisan kundi isa ring inspirasyon sa maraming tao.

Kinikilala rin ng marami ang kanyang walang sawang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng kanyang mga proyekto para sa kapakanan ng nakararami.

Hayagan naman ang pagsaludo ni Mupas sa pamumuno ni MPD Director Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay. (RENE CRISOSTOMO)

45

Related posts

Leave a Comment