ARESTADO ang isang 28-anyos na binata makaraang magtapon ng basura sa Barangay 195, Tondo, Manila.
Ang suspek na kinilalang si alyas “Jerick”, residente ng Tondo, Manila, ay nahaharap sa kasong paglabag sa City Ordinance #2018-24.
Ayon kay Police Captain Ryan Jay Balagtas, ng Jose Abad Santos Station 7 ng Manila Police District, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Norman Malenab Patnaan, station commander, inaresto ang suspek dakong alas-6:20 ng gabi noong Miyerkoles.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Aimee Santos-Arago, ng Metropolitan Trial Court, Branch 119 ng Navotas City.
Samantala, ipinaalala ng mga awtoridad ang pagbabawal ng pagtatapon ng basura kapag wala pang dumarating na truck, ayon sa nakasaad sa ordinansa.
(RENE CRISOSTOMO)
