FAIR, HONEST ELECTIONS SA 2022 – DU30

DU30

(NI CHRISTIAN  DALE)

NGAYON pa lamang ay nangangako na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko ng ‘fair and honest’ na 2022 presidential election.

Ani Pangulong Duterte, bagama’t malayo pa ang nasabing halalan ay makaaasa na ang publiko na magiging malinis ang eleksyon gaya nang tumakbo siya noong 2016.

“It’s too far away to be speculating or talking about it but I’m on my way out. What can I assure you, ladies and gentlemen, that it will be a clean election during my time,” ayon kay Pangulong Duterte sa Sarangani Energy Corp.
(SEC) 2 Power Plant Inauguration and Launching of Siguil Hydrpower Project SEC Conference Room, Brgy. Kamanga, Maasim, Sarangani Province.

Tiniyak din ng Pangulo na hindi niya papayagan na mabigyan ng special treatment ang kanyang mga kaibigan at kaalyado.

I will not allow anybody, friend or foe, (in) alliance with us or on the other side, it will be equal treatment for all,” ang pahayag nito.

104

Related posts

Leave a Comment