INSURANCE SA MAGSASAKA, MANGINGISDA SINUSULONG

farmers12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAGKAKAROON na ng insurance ang mga magsasaka at mangingisda sa sandaling maging batas ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa lahat ng mga manggagawa, ang mga ito lamang ang walang maasahan pagtanda nila.

Sa House Bill 3601 o Agricultural Pension Fund Act” na iniakda ni AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin, panahon na aniya para magkaroon ng insurance ang lahat ng magsasaka at mangingisda.

Ayon sa mambabatas, ang average age ng mga magsasaka ngayon sa bansa ay 57 anyos at palapit na sila sa retirement age  subalit pagretiro ng mga ito ay wala silang inaasahang pensyon.

Ito ay dahil hindi kasama ang mga ito sa Social Security System (SSS) o kaya Government Service Insurance System dahil itinuturing ang mga ito na nabibilang informal sector.

“This is a huge injustice considering that the agricultural sector is among the most important sector in the country, contributing P13 Billion or about 9% of the GDP (Gross Domestic Product) and agricultural workers making up 26.1% of the country’s labor forces,” ani Garin.

Tinatayang aabot sa 11.9 Million ang manggagawa sa sektor ng agrikultura sa bansa subalit at dahil walang insurance ang mga ito ay nagpapatuloy ang mga ito sa pagsasaka kahit matatanda na.

Dahil dito, nais ng mambabatas na magkaroon ng Agricultural Pension Fund, hindi lang para sa mga magsasaka kundi para sa mga mangingisda na hindi na kailangang maging miyembro ang mga ito sa SSS o kaya GSIS.

Sinabi ng mambabatas na ang Pension Fund ay pangangasiwaan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at Department of Agriculture (DA) kung saan otomatikong maging miyembro ang lahat ng mga magsasaka.

Tulad ng SSS at GSIS, magkakaroon ng PCIC Board of Directors na siyang mangangasiwa sa pondo at pagbibigay ng pensyon sa mga mangingisda at magsasaka sa buong bansa.

 

 

 

342

Related posts

Leave a Comment