KASO NG COVID-19 SA BANSA, HIGIT 20K NA

LUMAGPAS na sa 20,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos magtala ng karagdagang 634 ngayong araw, ayon sa Department of Health (DOH).

321 sa 634 ang late confirmed cases habang 313 naman ang fresh cases at nasa 20,382 na ang kabuuang bilang nito.

Sa ngayon ay umabot na sa 984 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa sakit matapos magtala ng 10 karagdagang bilang.

Samantalang umakyat naman sa 4,248 ang bilang ng mga nakarekober na sa naturang sakit matapos madagdagan ng 95. D. ANIN

81

Related posts

Leave a Comment