INIATRAS na ng isa sa mga nagreklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kasong crimes against humanity na kanilang isinampa sa International Criminal Court (ICC).
Kinumpirma ni Atty. Jude Sabio, abogado ng confessed hitman na si Edgar Matobato, na sumulat na siya kay ICC prosecutor Fatou Bensouda “regarding my intention to withdraw my earlier ICC communication.”
Kahapon, nag-execute ng affidavit si Sabio kasama ang kapwa abogado na si Larry Gadon kaugnay ng kanyang pag-urong sa kaso laban kay Pangulong Duterte.
“I am set to submit it personally with the ICC anytime soon,” pahayag pa ni Sabio.
Bahagi ng affidavit ni Sabio ay naglalaman ng: “I fervently request that the legal matter pending with your office in relation to the war on drugs in the Philippines should just be set aside and thrashed for being just a part of the political propaganda of Senator Antonio Trillanes, Senator (Leila) De Lima and their Liberal Party-led opposition of which I do not wish to be a part.”
Matatandaang noong taong 2017 ay humirit si Sabio sa ICC prosecutor para imbestigahan si Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan kaugnay ng umano’y mass murder na nagaganap sa bansa dahil sa war on drugs.
Noong buwan ng Pebrero, 2018, nagsimula ang preliminary examination ni Bensouda sa mga alegasyon ngunit noong Marso ng nakaraang taon ay tuluyang bumitaw ang Pilipinas sa ICC. SAKSI REPORTORIAL TEAM
201