(NI DANG SAMSON-GARCIA)
KINALAMPAG ni Senador Win Gatchalian nag mga telecommunication companies upang bumalangkas na ng mekanismo sa pagpapatupad ng Mobile Number Portability Act (MNPA) o ang pagkakaroon ng lifetime mobile number.
Ipinaalala ni Gatchalian na siyang principal author ng batas na dapat ipinatupad ito anim na buwan matapos ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR).
Nilagdaan ang batas noong February 2019 habang ang IRR ay inilabas noong June 11, 2019 kaya’t dapat epektibo na ito noon pang July 2, 2019.
Una namang iginiit ng Globe na sa ibang bansa kinailangan ng 27 buwan o dalawang taon bago maipatupad ang ganitong uri ng batas na para sa senador ay hindi katanggap-tanggap.
“Setting mobile number portability for the second half of 2021 is unacceptable. Our consumers need not to wait that long in order for them to be able to have that freedom to avail of the services they want. We are denying the right of every user to choose what is best for them,” giit ni Gatchalian.
Ipinaalala ng senador na sa pagdinig para sa renewal ng prangkisa ng Globe at Smart ay nangako ang mga ito na agad nang ipatutupad ang mobile number portability act.
“To allow the telcos to renege on their commitments in fulfilling their legal obligations based on other countries’ implementation is tantamount to consenting to another scheme of the duopoly. This will frustrate competition and the Filipino consumer will have no other choice but to put up with their underwhelmingly poor and expensive services”, diin ni Gatchalian.
Alinsunod sa batas, mananatili ang numero ng cellphone ng isang subscriber kahit lumipat ito ng ibang network at ipagbabawal ang lock-in period.
Nakasaad din sa batas na aalisin na ang interconnection fees sa pagtawag at pagte-text sa ibang network.
“The National Telecommunications Commission (NTC) should ensure that the three mobile service providers will implement the mobile portability in accordance with the intent of the law,” diin ng senador.
Ang mga lalabag sa batas ay papatawan ng multang hanggang P1 milyon at revocation ng prangkisa kung magkakaroon ng limang beses na paglabag.
116