PING: BICAM REPORT SA P4.1-T NAT’L BUDGET ISAPUBLIKO

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL)

SA halip na idaan sa bulong dapat na isapubliko na lamang ng mga kongresista at senador ang pagtalakay sa P4.1-trillion national budget para sa 2020.

Ito ang hamon ni Senador Panfilo Lacson sa mga kapwa nito mambabatas upang mawala ang agam-agam ng taumbayan na may nakatagong pork barrel ang 2020 budget.

“Dapat transparent ito sa publiko pati hanggang bicam dahil doon sa bicam, ‘yan ang medyo exclusive, kami-kami lang nag-uusap diyan. Diyan nire-reconcile ang tinatawag na disagreeing provisions. Iba kasi ang version na ipapasa ng Senado, iba ang version na ipapasa ng House so kailangan ma-reconcile ‘yan, ‘yan ang bicam,” sabi ni Lacson sa isang pahayag sa radyo.

“Ang amendments sina-submit ito isusulat sa napkin, ibibigay sa chairman. Hindi naman dinadaan sa floor deliberation ang mga amendment especially individual amendments. Bagkus sinusulat na lang ito at sinusumite sa chairman ng finance o appropriation committee. Ganoon ang nangyayari. Minsan nga verbal na lang. Usapan na lang,”  dagdag pa ni Lacson.

Noong 2019 budget, inilagay ni Lacson sa online ang panukala nitong ammendments sa mga programa at proyekto.

Sa kabaligtaran, ang mga indibidwal na amendments na nauukol sa mga proyekto na nakabatay sa pangunahing pagpapasya ng mga mambabatas at itinuturing na mga proyektong pet ng mga ito.

Karamihan umano ng mga kaso, ang mga ito ay hindi dumadaan sa konsultasyon sa mga nagpapatupad na ahensya ng pamahalaan, at hindi rin sila bahagi ng mga plano ng Local Development Plans ng Local Government Units.

Ang nasabing mga programa ay maaaring ituring na pork barrel, batay sa pagpapasya ng Korte Suprema noong 2013 na itinuturing na unconstitutional na mga proyekto na hindi kapritso at hindi makatwiran.

Ang desisyon ng Korte Suprema nagdeklara umano ng pork barrel bilang unconstitutional ay sumasaklaw sa lahat ng mga impormal na kasanayan ng magkatulad na pag-import at epekto, na kung saan ang korte ay itinuturing na isang kilos na pang-aabuso sa pagpapasya na may kulang o labis sa nasasakupan.

“The national budget involves the people’s money. It should benefit the people and not a few senators or congressmen or even government officials who implement projects. And the budget is funded by our taxes, as well as borrowings if our tax collections fall short,” ayon pa dito.

 

127

Related posts

Leave a Comment