Publiko binalaan sa ‘green’ tagging MALALASWANG VIDEO LINK HUWAG I-CLICK

NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa netizens hinggil sa talamak na random tagging sa social media partikular sa Facebook at hinikayat na huwag i-click ang anomang malalaswang video link na natatanggap.

Ito’y matapos tumaas ang bilang ng mga nagrereklamong Facebook users dahil sa random tagging.

Nitong mga nagdaang araw ay marami sa netizens ang nakatanggap ng malalaswang video mula sa hindi naman nila friend o hindi kilalang tao.

Kaugnay nito, inatasan ng PNP ang kanilang cyber crime unit na pag-aralan ang posibleng masamang epekto nito sa netizens at kung may mga batas bang nalalabag.

Ayon kay PNP Spokesman Police BGen. Rolando Olay, posibleng makompromiso ang personal information ng mga taong magki-click ng video o kaya ay mapasukan ng virus ang kanilang system.

Oras na ma-tag sa malaswang video, dapat itong i-report sa Facebook sa paglabag nito sa community standard, paalala pa ng kapulisan.

Bukas naman ang PNP na tumanggap ng anomang reklamo sakaling may mabiktima at manakawan ng personal na impormasyon, ani Bgen Olay. (JESSE KABEL)

106

Related posts

Leave a Comment