3 TOPMOST WANTED SA CAVITE, ARESTADO

CAVITE – Nalambat ng Cavite Police ang dalawang tinaguriang top 2 most wanted person at isang top 5 most wanted person, sa isinagawang manhunt operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-12:11 noong Miyerkoles ng hapon nang magsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Tagaytay Police sa Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Norline Basagre, 29, binata, ng Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City.

Si Basagre ay tinaguriang top 2 most wanted person, city level, dahil sa kasong falsification of commercial document, 9 counts.

Nasa listahan din ng top 2 most wanted person, municipal level, si Richie Piasan, 35, ng Excess Lot, Brgy. Anahaw 1, Silang, Cavite, na nadakip dakong alas-2:00 noong Miyerkoles ng hapon sa Brgy. Anahaw 1, Silang, Cavite dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 (anti-child abuse law).

Hawak na rin ng Noveleta Police ang top 5 most wanted person, municipal level, na si Edmon Alarcon, 34, ng Ave Maria Silangan 1, Rosario matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya dakong alas-3:30 ng hapon noong Miyerkoles at nakakulong na sa Gen. Trias City Custodial Center dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Dakong alas-7:00 ng umaga noong Miyerkoles nang nagsagawa ng manhunt operation ang Imus City Police sa wanted persons sa Brgy. Malagasang na nagresulta sa pagkakaaresto kay John Flores, 21, ng Block 10, Lot 49, Citilane Subdivision, Brgy. Malagasang 2F, Imus City, dahil sa kasong acts of lasciviousness.

Habang attempted murder naman ang kinakaharap na kaso ni Martin Rosales, 32, na naaresto dakong alas-9:05 ng umaga noong Miyerkoles sa Brgy. Burol 3, Dasmariñas City. SIGFRED ADSUARA)

91

Related posts

Leave a Comment