Publiko inawat sa pagpila sa community pantry AYUDA NG GOV’T HINTAYIN

0

PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mamamayang Filipino na hintayin ang ayuda mula sa pamahalaan sa halip na lumabas ng kanilang bahay para maghanap ng community pantry.

Para sa pangulo, maaari kasi itong pagmulan ng pagtaas ng COVID-19 infections.

Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay ipinanukala ng pangulo na ang mga barangay health worker ay dapat mag-deliver ng ayuda mula sa pamahalaan nang ‘house-to-house’ para maiwasan ang paglaki ng COVID-19 cases.

“People were swarming. It might not be the first thing that you did with your idea, but from there it generated yung mga ito. Nagkalapit-lapit, nagkalapit-lapit hanggang magtaas na naman,” ayon sa pangulo.

Hindi naman kaila sa lahat na dumadagsa ang bilang ng mamamayan sa ilang community pantries sa Metro Manila at iba pang lugar sa kabila na nakaamba ang pandemiya. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment