(NI LILIBETH JULIAN)
MAGANDANG balita lalo na sa mga masasakiting kapus-palad.
Mabibigyan na ng maayos at de-kalidad na health care services ang lahat ng mga Pinoy sa bansa.
Ito ay matapos pormal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care Bill na nagbibigay ng malawak na health care coverage at benepisyo sa mga Filipino.
Sa nasabing landmark legislation, ang lahat ng mga Pinoy ay magiging awtomatikong miyembro ng bubuuing National Health Insurance Program (NHIP) bilang direct contributor o indirect contributor.
Sa nasabing batas, mas palalawakin nito ang saklaw ng Philhealth na napapakinabangan ng mga Pinoy sa kasalukuyan saan ang mga direct contributors ay ang mga nagbabayad ng regular na health premiums habang ang mga indirect contributors ay ang mga senior citizens o indigents.
Saklaw nito ang libreng konsultasyon at iba pang diagnostic services.
Ang mga Pinoy na naninirahan sa bansa ay makikinabang sa primary health service kahit walang Philhealth card.
132