Wala namang solusyon – Duterte OPOSISYON PURO DAKDAK

0

KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko at oposisyon dahil sa pagpapalutang ng maraming usapin kabilang na ang West Philippine Sea, sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Pinasaringan ni Pangulong Duterte ang oposisyon na puro dakdak sa halip na magsuhestiyon kung paano makakakuha ng pondo para gamiting ayuda at tumulong na mapataas ang bilang ng mga hospital bed habang ang coronavirus infections “might go out of control and spread like a wildfire.”

“Maghanap sila ng issue ng dagat? Ano bang problema nito, raising so many issues, nonsense and trivia, just because they want to be heard?” ang tanong pangulo.

Nabuhay ang pagtatalo ng Maynila at Beijing nitong Marso matapos na mamataan ang 200 Chinese ships na nakahimpil sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Personal namang nakausap ni Pangulong Duterte si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naiparating ng pangulo ang kanyang pag-aalala tungkol sa mga barko ng China sa Julian Felipe Reef.

Tiniyak naman umano ng ambasador ng China na mga mangingisda lamang ang nasa Julian Felipe Reef na sumilong dahil sa masamang panahon.

Naniniwala si Sec. Roque na walang kontrobersiya rito dahil hindi naman aniya ipinipilit o ipinaglalaban ng China na mananatili sa Julian Felipe Reef ang mga Chinese vessel.

Naging malinaw naman aniya na nakahanda ang pangulo na protektahan ang teritoryo ng bansa.

Nanindigan din aniya ang pangulo sa pagkapanalo ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal noong 2016 kung saan pinawalang saysay ang claim ng China sa West Philippine Sea.

Umaasa na lamang si Roque na sa lalong madaling panahon ay lilisanin na ng mga natitira pang Chinese vessels ang Julian Felipe Reef sa bahagi ng West Philippine Sea sa Palawan. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment