2 PUGANTE NADAKIP NG PNP-ZAMBALES

“IF you can make your opponent think about what you are doing, you have largely won the fight.”

Ito ang naging pahayag ni Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño matapos madakip ng kanyang mga tauhan ang dalawang suspek sa kasong pagpatay.

Kinilala ni Col. Cardiño ang mga nadakip na sina Bryan Evangelista at Franc Andrew Pagar Braga, inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Denise Dacanay-Sagun, presiding judge ng MTC, 3rd Judicial Region, San Narciso, Zambales, dahil sa kasong bigong pagpatay.

Ayon sa ulat ng pulisya, noong Mayo 7, 2021, nang pagtangkaang patayin ng mga suspek ang biktimang si Dixon San Juan Davalos, meat vendor, residente sa Brgy. La Paz, San Narciso, Zambales. (JESSE KABEL)

140

Related posts

Leave a Comment