NUEZCA TIYAKING NAKAKULONG

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine National Police (PNP) na siguraduhing nakakulong si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca at hindi makalalabas dahil ang nagawa nito ay ‘serious offense’.

Binaril ni Nuezca ang mag-inang Sonya at Frank Anthony Rufino Gregorio, ng Paniqui, Tarlac sa gitna ng argumento, dahil umano sa “boga” at right of way.

“I’d like to call the PNP: Be sure that he is detained ha. He should not be allowed to go out kasi serious offense ‘yan. There’s no bail. So hindi maka-bail ‘yan. Diretso-diretso na ‘yan,” ayon sa pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

Para sa Pangulo, si Nuezca ay isa lang klase ng pulis na may sakit sa utak, at may topak.

“And I was wondering why he was able to — nakalusot sa neuro. You could detect a person by the way he answers in a — ‘yung mga tests sa neuro. Tarantado ‘yung g*** na ‘yon,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

Sinabi pa niya na kaisa siya ng mga pulis kung ginagawa ng mga ito nang tama ang kanilang tungkulin subalit kapag aniya nakagawa ng mali ay kailangan lamang na pagbayaran ng mga ito ang kanilang kasalanan o kamalian.

o0o

KANSER SA PNP

WALANG puwang sa isang sibilisadong lipunan ang ginawang pagpatay ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa nakaaway nitong mag- ina sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, isang papakalat nang cancer ang suspek na si Nuezca sa Philippine National Police na kailangang agad matanggal.

Kaya dapat lamang aniya na kondenahin si Nuezca na nagpakita ng labis na kalupitan sa mag- inang binaril nito nang walang kalaban-laban.

Sinabi pa ni Sec. Panelo na dapat lamang na agad-agad maipagkaloob ang hustisya sa mga biktima habang sa kabilang banda’y kaparusahan naman kay Master senior Sgt Jonel Nuezca.

“The full force of the law must be applied immediately until justice is served,” anito. (CHRISTIAN DALE)

288

Related posts

Leave a Comment