Opisyal na binuksan ng NUSTAR Online ang Binibining Pilipinas Fashion Show sa Lagoon at Gateway Mall 2 noong ika-8 ng Mayo 2026 sa pamamagitan ng isang espesyal na pagtatanghal na nagtakda para sa isa sa pinakaaabangang swimsuit fashion show ng nasabing pageant.
Itinampok ng opening segment ang lahat ng 36 na kandidata ng Binibining Pilipinas 2026 kung saan sa pag-akyat nila sa entablado, ipinakita ang elegante at poised na choreography sa BBP x NUSTAR Online Music. Suot ang kulay maroon na NUSTAR Online Filipiniana cover-up na ipinares sa puting maong, ang mga kandidata ay naghatid ng isang pagtatanghal na nagpapataas ng pag-asa sa fashion show proper.
Kasunod ng opening number, isang behind-the-scene preview ng paparating na proyekto ng BBP x NUSTAR Online ang inilunsad na lalong nagpasabik sa patuloy na partnership sa pagitan ng lifestyle gaming brand at ng prestihiyosong beauty pageant.
Binigyang istilo ni Patrick Henry Mergano ang mga kandidatang kalaunan ay nagpalit ng makukulay na piraso ng swimwear na mula sa Dia Ali na idinisenyo ni Justine Aliman. Ang koleksyon ito ay nagpapakita ng kapansin-pansing mga kulay tulad ng tangerine, turquoise, at lime tones, na siyang nagbigay ng sariwa at modernong karakter sa runway. Kinumpleto ang kanilang itsura ng mga footwear na galing sa Trendy Collection, kasama rin ang mga statement na hikaw ni Filipino artist na si Christopher Munar at ang mga makukulay na bag na idinesenyo ni Zarah Juan na nagdagdag personalidad at flair sa pangkalahatang pagtatanghal.
Naghiyawan ang mga tao sa paglabas ni Bb. Pilipinas International 2026 Katrina Anne Johnson kasama ang mga runner-up na sina Dalia Varde Khattab at Kathleen Enid Espenido na rumampa sa runway suot ang hot pink maillots na mula rin sa Dia Ali. Nakatakdang koronahan ni Johnson ang hahalili sa kanya bago kumatawan sa Pilipinas sa Miss International 2026 sa Japan sa darating na Nobyembre.
Bilang presenting partner, ang NUSTAR Online ay patuloy ang suporta sa mga platform na nagdiriwang ng mga papausbong na talentong Pilipino at nagbibigay kapangyarihan sa mga mas nakababatang kababaihan ng kumpyansa na kumatawan sa kanilang mga adbokasiya, indibidwalidad, at potensyal. Sa pamamagitan ng ugnayang ito sa Binibining Pilipinas, ang brand ay nananatiling nakatuon sa paggawa ng mga makahulugang karanasan na siyang nagpapaangat at nagpapakita sa modenong Pilipina sa ibabaw man o higit pa sa entablado.
Ang lifestyle gaming brand ay nagpapatuloy na maghatid ng mataas na antas ng gaming at lifestyle experiences sa pamamagitan ng mga eksklusibong kampanya tulad ng Luxury Summer Getaway na nagbibigay pagkakataon sa mga manlalaro na matamasa ang marangyang 5-star escape sa NUSTAR Resort Cebu. Manatiling updated sa mga paparating na events, eksklusibong promotion at premium lifestyle experiences, sundan lamang ang NUSTAR Online sa mga social media @nustaronline.
105 
