ONLINE TROLLS DOUBLE TIME SA PAGSIRA SA HOUSE PROSECUTORS — KAPUNAN

NAKA-DOUBLE TIME umano ang mga online troll na sumusuporta kay Vice President Sara Duterte upang idiskredito ang mga miyembro ng House prosecution panel.

Ito ang inihayag ni private prosecutor Lorna Kapunan, kasabay ng pagsasabing bunga lamang ito ng kawalan ng pag-asa ng kampo ng Bise Presidente.

“Desperate moves from a desperate defense camp,” pahayag ni Kapunan hinggil sa pagsisikap umano ng mga troll na dominahin ang online discourse at isulong ang narrative na pabor kay Duterte.

Dahil maging ang mga private prosecutor ay pinupuntirya na rin umano sa internet, pabirong sinabi ni Kapunan na hindi malayong pati ang kulay ng kanyang sapatos ay gamitin laban sa kanya.
“Masyado nang maingay ang trolls ngayon,” ani Kapunan.

“So tinitira na ngayon ang mga private prosecutors. Pati nga yung rubber shoes ko, baka sabihin nila katas ng impeachment, ‘yung rubber shoes ko, ‘yung sneakers ko,” dagdag niya.

Ayon kay Kapunan, mas nagiging desperado umano ang kabilang panig habang umuusad ang paglilitis.

Inihalintulad din niya ang sitwasyon sa mga posibleng gawa-gawang kuwento na maaaring ibato laban sa prosecution panel.

“Uso ngayon ang Maleta Boys, no? Kami naman ay duffle bag. Baka sabihin ‘yung isang duffle bag ay ibinigay ko kay (prosecution spokesman and adviser) Cong. Ace Barbers. Yung isang duffle bag ibinigay ko kay (House Committee on Justice) Chairman (Batangas Rep. Gerville) Luistro. Iyung isa naman ibinigay ko kay (public prosecutor Bicol Saro party-list Rep.) Terry Ridon, kasi siya yung pinakamaingay diyan,” wika ni Kapunan.

Nanawagan ang abogado sa publiko na manatiling nakatutok sa mga totoong isyu ng impeachment trial at huwag magpadala sa tinawag niyang “diversionary tactics” ng kampo ni Duterte.

“I think we should focus on the impeachment case. Obvious na diversionary tactic ang ginagawa ng Office of the Vice President. Ginagawa nilang other narrative,” giit nito.

Pinuna rin ni Kapunan ang naging tugon ng kampo ni Duterte sa grave threats case na inihain ng Department of Justice (DOJ) laban sa Bise Presidente.

Ipinaalala niya na bagama’t criminal case ang hawak ng DOJ, hiwalay itong usapin sa mga paratang sa Impeachment Court na kinabibilangan ng betrayal of public trust, culpable violations of the Constitution, bribery, graft and corruption at iba pang high crimes.

(TINA MENDOZA)

48

Related posts

Leave a Comment