Araw ng Kalayaan: Pagkakaisa sa harap ng pag-aalburuto ng Mayon

LIMANG taon na ang nakararaan magmula nang huling pagsabog ng bulkang Mayon. Ngayon ay nagbabadya na naman ang panibagong trahedya.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang bulkang Mayon ay nakataas na sa Alert level 3 o mataas na aktibidad. Sa loob ng Alert level 3, mayroon nang isang volcanic earthquake at 177 rockfall event, natatanaw na ang banaag, naglabas ng 1205 na tonelada ng sulfur dioxide, mayroong katamtamang pagsingaw, at mayroong pamamaga ng bulkan.

Inirerekomenda ng PHIVOLCS na iwasang pumasok sa 6 na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone at ang pagpapalipad ng kahit anong aircraft sa ibabaw ng bulkan.

Pinapaalalahanan ang lahat na maaaring maganap ang pagguho ng mga bato, umiitsang mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava, matinding usok, katamtamang pagputok, at pagdaloy ng matinding lahar kapag may matinding pag-ulan dala ng bagyong Chedeng.

Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ang pagkakaisa ng bawat Pilipino ay kritikal upang maiwasan ang malaking casualties. Buhayin muli ang bayanihan at tulungan ang mga nangangailangan na lumikas papunta sa mas ligtas na lugar mula sa trahedyang ihahatid ng bulkang Mayon. Ang mga Pilipino ay magiging modernong bayani sa harap ng pagsubok na ibibigay ng bulkang Mayon.

Walang trahedyang hindi malalampasan ang mga Pilipino kung may pagtutulungan, kaya natin to, mga kababayan. Mag-ingat ang lahat.

188

Related posts

Leave a Comment