COACH OLI NEWS PH
MAGANDANG araw sa inyong lahat. Ito ang topic sa bagong kolum natin sa Saksi Ngayon: Basura! Inisnab ng kampo ni Teves ang inihaing kaso laban sa kanila. Aba’y dapat lang.
Hindi naghain ng counter affidavit o kontra salaysay ang kampo ni Cong. Teves. Tama ba ito? Eh para sa akin, hindi po ito tama. Ito po ay tamang-tama.
Bakit kanyo? Kahit ano pong ebidensya, kahit anong paliwanag, kahit anong gawin ng kampo ni Cong. Teves, pagdating sa usapin dyan sa DOJ, ‘yang paghahain ng counter affidavit, walang patutunguhan ‘yan. Kasi, case closed na nga ‘yan eh, according sa secretary ng DOJ, ng idol n’yong si Boying. Case closed na ‘yan, para sa kanila eh tapos na ‘yan.
Eh sino pa ang magde-decide diyan? Kanino hinain? Eh ‘di ba sa DOJ? So talagang tama lang. Bakit ka pa maghahain ng counter affidavit o kontra salaysay? Wala ring mangyayari. Imposible namang hindi sundin ng DOJ ang kanilang boss na sinabing case closed na. So, sa mata niya may sala na si Teves.
Ano pa ang mangyayari dyan? Drama lang ‘yan. For the sake na kunwari sige, magsagutan tayo sa DOJ.
Tama po para sa akin, ang ginawa nila, ang hinain po nila ay ‘to dismiss the case’. Wala silang aasahan na equality o fairness dyan sa DOJ. Magiging bias ‘yan, normal na normal po ‘yan.
Tama ang inihain ng kampo ni Teves, mosyon na ibasura. Basura kasi ‘yan dahil walang ebidensya. Una, dapat ibasura dahil nag-recant ang mga testigo na ipinagmalalaki nila sa araw-araw nilang presscon. Pinilit lang ang witnesses kaya umurong.
Pangalawa, let’s assume hindi umurong, gaya ng kanilang ipinagmamalaki dati sa presscon na ‘marami kaming witnesses’, wala ring kwenta, kasi walang direct link kay Teves at sa mga sinasabi nilang bumaril o pumaslang kay Degamo. Sa madaling salita, hearsay. Hindi maikonekta si Teves sa mga akusado o tinatawag nilang witnesses.
Kahit saan mo tingnan, umurong o hindi umurong, lahat po ay hearsay. Lahat po ay wala silang direct evidence. Kahit po ang DOJ, kahit mismo si Remulla, parang inamin niya ito, in a way. Pinipilit nila ang totality of evidence. Ang ibig sabihin ng totality of evidence ay pinagsama-samang ebidensya.
Bakit ipinipilit nila ang totality of evidence? Dahil wala silang kahit isang ebidensya na directly magko-connect kay Teves. Ang tinitingnan nila ang totality ng tig-kakaunting ebidensya.
So, sa madaling salita, lahat po ‘yan, hearsay. Umurong o hindi umurong ang witnesses, eh kaso umurong. So katawa-tawa sila. Saan kukunin ang kanilang kaso? Sa kangkungan? Nasaan ang ebidensya? Wala!
Sinasabi ng mga testigo na kaya daw alam nila na si Cong. Teves ang dahilan ng pagpaslang ay dahil nakita nila sa tarpaulin. Mag-isip po tayo, mayroon bang papatay na maglalagay pa ng tarpaulin? ‘Yun lang ang kanilang basehan? Kaya si Teves ang pinagbibintangan dahil may nakita silang tarpaulin. Ganoon?
Naghain din ng ‘motion to dismiss’ ang piloto na si Lloyd Garcia, ng sinasabing chopper na sinakyan umano ng limang akusado. Itinanggi ni Garcia na nagpalipad siya ng chopper sa petsang nangyari ang krimen, at wala rin siyang pinalipad, dalawang araw makaraan ang krimen. Wala ring ebidensya laban sa piloto.
Ito ang tanong ni Teves kay Boying at sa Presidente. Paano nagkasya ang anim na tao sa helicopter na panglimahan?
Naghain naman ng counter affidavit ang tao umano ng kapatid ni Cong. Teves na si Pryde Teves, na ikinokonekta na nag-utos umano sa pagpatay kay Degamo.
Sinabi ng abogado nito na ang lahat ng alegasyon ay walang koneksyon sa sinasabing pagpaslang. Ang karamihan umano sa alegasyon ay katawa-tawa, masyadong malabnaw at hindi pinag-isipan.
Planted ang mga ebidensya. ‘Yan ang dati pang inirereklamo ng kampo ni Teves. ‘Yung mga ebidensya sa mga raid, planted po. Even ‘yung tao ni Teves, tinatakot para ituro si Cong. Teves na siya ang talagang gumawa ng pagpaslang.
Sinabi naman ng abogado ni Degamo na nakasasama ang hindi paghain ng counter affidavit ng kampo ni Teves. Bakit ka pa maghahain ng kontra salaysay, eh cased closed na eh? Sarado na ‘yan eh. Moro-moro lang ‘yan. Magda-drama lang ‘yan.
Kahit anong sabihin ng kampo ni Teves, hindi na rin mababago ang isip ng DOJ. Ano pa ang purpose nyan?
Sinabi ng kampo ni Teves na hindi dapat ang DOJ ang may hurisdiksyon kasi case close na doon. Hinatulan na. Dapat ito ay sa Sandiganbayan na o sa Ombudsman. Kasi hindi sila makakakuha ng fairness dyan. Ang sabi naman ng abogado ni Degamo. Palusot daw.
Real talk po tayo, hindi po sa naniniwala tayo na hindi kasalanan ni Teves ang nangyari kay Degamo, hindi po dahil doon. Kahit ano pa ang sabihin ni Teves, mababago pa ba ang isip ng DOJ? Kahit ano pang ihain diyan na ebidensya. Makakakuha pa ba ng fairness? Makakakuha pa ba ng fair trial?
436