P.3-M CASH TINANGAY SA FOOD SHOP

CAVITE – Halos kalahating milyong pisong cash ang natangay ng dalawang kalalakihan na nanloob ng isang tindahan ng karne sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawang suspek na pumasok sa Sustamina Food Shop sa Brgy. Biga 2, Silang, Cavite bandang alas-4:50 ng madaling araw.

Ayon sa ulat, pinasok ang dalawang suspek ang nasabing tindahan ng karne sa pamamagitan ng pagputol sa shutter ng roll-up door saka binasag ang salaming bintana nito.

Nang nakapasok, tinangay ng mga suspek ang laman ng vault na isang Oppo cellphone at P326,308.42 cash.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa lugar para sa mga dinaanan at posibleng pagkakaaresto sa mga suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

65

Related posts

Leave a Comment