P42-M SMUGGLED RICE NASABAT SA ZAMBOANGA

UMABOT sa P42 milyong halaga ng bigas o katumbas ng 42,180 sako ng imported na bigas, ang kinumpiska sa isinagawang pagsalakay ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) sa isang warehouse sa Brgy. San Jose Gusu, Zamboanga City.

Noong Mayo 19, 2023, ang BOC, sa tulong ng Coast Guard Intelligence Group-Southwestern Mindanao, Task Force Adua­na, at Marine Battalion Landing Team 11, na armado ng Letter of Authority na ni­lagdaan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ay nagsagawa ng inspeksyon sa warehouse sa Brgy. San Jose Gusu matapos makatanggap ng impormasyon na may smuggled rice sa stalls sa loob nito.

Sa inventory ng subject warehouse ay natuklasan ang 42,180 sako ng Alas Jasmine Fragrant Rice.

Pagkatapos nito, ang kinatawan ng may-ari ay nagsumite ng import documents na umano ay nakasasakop sa subject imported sacks ng bigas na naaayon sa Section 224 ng Republic Act No. 10863, o mas kilala bilang “Customs Modernization and Tariff Act” (CMTA).

Gayunpaman, sa beripikasyon ng mga dokumentong isinumite at sa imbestigasyon ng ESS-CPD at CIIS, natuklasan na ang subject confiscated goods ay hindi sakop ng kailangang Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) mula sa Bureau of Plant Industry.

Bukod dito, may mga pagkakaiba sa actual seized goods mula sa idineklara na nakalagay sa mga dokumento na iprinisinta, na umano ay sumasaklaw rito.

Ang ‘proofs of payment’ na isinumite ay kaugnay sa isang shipment ng “White Rice 15% Broken”, samantalang base sa actual examination, ang nakumpiskang sako-sako ng bigas ay “Jasmine Fragrant Rice”.

Noong Setyembre 1, 2023, ang BOC-POZ ay nag-isyu ng Order of Forfeiture laban sa subject sacks ng bigas dahil sa paglabag sa Section 1113 (f) na may kaugnayan sa Section 117 ng CMTA of 2016, Rice Tariffication Law, at Republic Act No. 10845, o mas kilala bilang “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016”.

Si District Collector Arthur G. Sevilla, Jr., ay nagpahayag na ang Port of Zamboanga ay patuloy sa pagmo-monitor at pagkilos kaugnay sa ulat ng lahat ng uri ng smuggling.
Ito ay naaayon sa marching order nina Commissioner Bienvenido Y. Rubio at President Ferdinand R. Marcos, Jr., na hulihin ang illegal importers na nagtatago ng bigas.

(JO CALIM)

289

Related posts

Leave a Comment