CAVITE – Umabot sa P47.6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City noong Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang mga arestado na sina Morato Gulam alyas “Habi” at Esmail Tanting, kapwa nasa hustong edad at residente ng Molino III, Bacoor City, Cavite.
Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang puwersa ng PDEA SAS at PDEA Provincial OfficeΒ sa harapan ng SOMO Market sa Daang Hari, Alternate Route, Molino IV, Bacoor City kung saan target ang mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.
Nakuha sa mga suspek ang pitong kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P47.6 milyon ang halaga, na nakalagay sa isang Chinese tea bag.
Kakasuhan ang arestadong mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous DrugsΒ Act of 2002.Β (SIGFREDΒ ADSUARA)
410 