INSTANT milyonaryo ang isang residente ng Rizal matapos mahulaan ang winning combination ng Lotto 6/42.
Ayon kay PCSO Vice-Chairman at General Manager Melquiades Robles, nakuha ng maswerteng mananaya ang kumbinasyon na 15-19-24-41-42-04, na nagkakahalaga ng P48,195,100.40.
Nabili ang tiket sa isang outlet sa Sumulong Highway, Antipolo City, Rizal.
Nasa 81 indibidwal naman ang makakatanggap ng tig-P24,000 matapos makakuha ng limang tamang numero.
Ang Lotto 6/42 ay nagkakaroon ng draw tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
(TOTO NABAJA)
69
