UMAABOT sa P5.4 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang mall noong Lunes ng hapon.
Habang nadakip sa parking lot ng Star Mall sa Las Piñas City ng pinagsanib na pwersa ng PDEA, mga pulis ng Las
Piñas City, Southern Police District, National Capital Region Police Office, Bulacan Police at Laguna Police, sa naturang buy-bust operation ang tatlong mga suspek na kinilalang sina Yasmin Balading, Joselito Castillo at Daisy Usman.
Bukod sa nakuhang 800 gramo ng shabu, nakumpiska rin sa mga suspek ang kulay abo na Toyota Vios at mga cellphone na kanilang ginagamit sa pakikipagtransaksyon.
Sina Balading, Castillo at Usman ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DAVE MEDINA)
136 