ISANG malaking piraso ng hinihinalang rocket debris ang narekober sa baybayin ng Sitio Taburo, Bisucay Island, Cuyo, Palawan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Agad na nagpadala ng Quick Response Team ang Coast Guard matapos makatanggap ng ulat hinggil sa naturang bagay.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang debris at sasailalim ito sa technical assessment ng Maritime Safety Law Enforcement Group–Palawan upang matukoy ang pinagmulan nito.
Iniimbestigahan pa kung ang narekober na debris ay mula sa rocket na inilunsad ng China.
(JESSE RUIZ)
40 