UMANI ng matinding puna sa netizens ang P9.6 bilyong new Pasig City Hall project na ipinagmamalaki ni Mayor Vico Sotto bilang kanyang legacy sa naturang lungsod.
Tinawag ng nitizens ang ideya ng magarbong proyekto na nagmula sa baluktot na paglatag ng prayoridad para sa serbisyong bayan na higit na kailangan ng Pasigueños.
“Aanhin namin ang mararangyang gusali kung wala namang laman ang aming mga kawali,” pahayag ni Jessa Hipolito sa kanyang Facebook.
Si Regine Gardose naman ay ginamit ang kanyang Facebook account upang isalaysay ang nangyari sa kanyang ina na sampung oras na pinaghintay sa Child’s Hope hospital bago ma-admit. Dagdag pa niya, walang sapat na pasilidad para sa laboratory testing ng mga pasyente ang nasabing ospital kaya sa labas ipinasuri ang nakuhang blood sample ng kanyang ina.
Tanong niya: “Why so obsessed with grandeur offices for public servants if the city hospitals don’t have enough lab facilities?”
“Mayor, please pigil-pigil muna tayo ng grandeur dream, mas iniisip mo ang legasiya kesa sa katotohanan sa lugar natin at mag-back to reality na. mas kailangan ng Pasiguenos ang basic na health services pati pa education. Saka pang araw-araw na pagkain,” sundot ni James Cruz sa kanyang X.
Kakulangan naman ng gamot ang hataw ni Analyn Santos sa kanyang Facebook account: “Grabe ka Yormi, ikutin mo muna ang lahat na health centers at ospital natin para malaman mo kung sapat ang gamut ng mahihirap na pasyente, tapos aaryahan mo kami ng sampung bilyon pisong City Hall, hohum!”
Ganun din ang pag-angal ni Miggy Ledesma sa kanyang X account: “What a nerve! Kulang ang gamut sa LGU hospitals, walang matinong medical facilities at kandagapang kami sa gastusin sa pag-aaral ng mga anak namin, tapos ang ibibida mo sa Pasigueños ay City Hall na babayaran namin ng P10-B!”
Isyung matindi rin ng netizens ang umano’y pagpursige ni Mayor Sotto sa P9.6 bilyong proyekto, samantalang umaaray ang mga magulang ng mga mag-aaral sa gastusin na tanging ang rumaragasang paasa na tulong pang- iskwela ang nakarararing sa kanila.
“Mga libro raw, school uniforms at iba pang school supplies ang aming naririnig na paasa mula sa taga-City Hall ngayong pasukan, pero heto kami hanggang ngayon nganga,” himutok ni Jeremy Barrameda sa kanyang Facebook.
“Sana magbigay ka rin Mayor ng ayuda kahit pang-traysikel lang sa mga studyante kaysa unahin pa yang bilyones na City Hall na hindi naman namin yan makakain,” himutok din ito ni Jeda Arita Na nagsabi pang mahigit dekada na siyang nag-aalaga ng sakit at kung saan-saan naghahagilap ng pambili ng gamot kasi palaging kulang ang supply ng pamahalaang lungsod.
