QUEZON – Patay ang isang binata nang tumama sa gutter ang minamaneho nitong motorsiklo at bumaliktad sa Brgy. Ayuti, sa bayan ng Lucban sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang biktimang si Peejay De Veluz, 18-anyos, residente ng Barangay Tiawe. Ayon sa report ng Lucban Police, mag-aalas-8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kurbadang daan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang biktima. Sumalpok ang motorsiklo sa gutter kaya tumilapon ang biktima at bumagsak sa palayan sa gilid ng kalsada. Grabeng napinsala ang katawan ng biktima na agad…
Read MoreMAG-ASAWA NIRATRAT SA TINDAHAN, 1 PATAY
LAGUNA – Patay ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang asawa nito matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa kanilang tindahan sa Barangay Dita, Sta. Rosa City, noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa report ng Sta. Rosa City Police, dakong alas-3:00 ng madaling araw, abala ang mag-asawang biktima sa paghahanda at pagluluto ng pagkain sa kanilang tindahan nang biglang dumating ang hindi pa nakikilalang lalaki at pinagbabaril ang mga ito. Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril sa mga biktima. Mabilis namang isinugod ang mga biktima sa…
Read MoreTEODORO DINISQUALIFY NG COMELEC
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINANSELA na ng Commission on Elections (Comelec) ang kandidatura ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro bilang kongresista ng unang distrito ng lungsod. Ito’y matapos katigan ng poll body ang petisyong inihain laban sa kanya dahil sa material misrepresentation. Ang desisyon ay inilabas ng Comelec First Division noong Disyembre 11, 2024 at nilagdaan nina Commissioner Ernesto Ferdinand Maceda, Commissioner Aimee Ferolino, at Commissioner Socorro Inting. Sa Certificate of Candidacy (COC) ni Teodoro, idineklara niyang residente siya ng Unang Distrito kahit hindi totoo. Ayon sa Comelec, malinaw itong material…
Read MoreHIGIT 68K PDLs NAGPAREHISTRO PARA SA 2025 POLLS
INIHAYAG ng Commission on Elections na nasa 68,448 na persons deprived of liberty (PDLs) ang nagparehistro para makaboto sa 2025 midterm elections. Sa nasabing bilang, sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferrolino, kasama sa kanila ang 993 na boboto sa labas ng piitan at e-escortan ng mga awtoridad. Pero, ayon sa komisyoner, maaari pa itong mabawasan depende sa usad ng kaso ng mga PDL gayundin ang mga posibleng mapalaya bunga ng pag-apruba sa kanilang GCTA o General Conduct Time Allowance. Salig naman sa desisyon ng Korte Suprema, binigyang diin ni Comelec…
Read MoreEJK MAGIGING HEINOUS CRIME NA
MAGIGING heinous crime o karumal-dumal na krimen, ang extra-judicial killings (EJK) na nauso noong panahon ng war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 10986 o “Anti-Extrajudicial Killing Act” na inakda ng 13 kongresista kasunod imbestigasyon ng Quad Committee sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), Illegal Drugs at EJK. Sa record ng Philippine National Police (PNP), 6,229 ang napatay na drug personalities ang napatay sa kanilang anti-war operations noong panahon ng war on drugs subalit inakusahan ang mga otoridad na biktima ang mga…
Read MoreNATIONWIDE CRACKDOWN VS FAKE PWD IDs IKAKASA
MAGLULUNSAD ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng national crackdown laban sa pagbebenta at paggamit ng pekeng person with disability (PWD) identification cards (IDs) dahil malinaw ang pagkalugi sa kita ng gobyerno mula sa tax evasion scheme na umaabot na sa halagang P88 billion. Sa isang kalatas, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ipinag-utos na niya sa lahat ng opisyal na makipagtulungan sa ibang ahensiya ng pamahalaan para mapigilan ang paggamit ng pekeng PWD IDs. Tinukoy ang data mula sa kamakailan lamang na pagsisiyasat sa Senado, sinabi ni…
Read MorePOGO POLITICS TALAMAK SA QC? ROSE LIN MULING ININDYAN ANG QUADCOM
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TULAD ng dati, hindi na naman sinipot ni Rose Lin ang pagdinig ng House Quad Committee kaugnay ng mga karumal-dumal na krimen at maging korupsyon na idinulot ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO at illegal drugs. Pang-apat na itong hearing na hindi nagpakita si Lin sa Kongreso. Ang siste, habang dinededma niya ang patawag ng mga kongresista ay abala naman umano itong si Lin sa pangangampanya sa Quezon City. Si Rose Lin ay tinatagurian ngayong Pharmally-POGO queen dahil sa pagkakasangkot ng kumpanya nilang mag-asawa sa…
Read MoreUPDATE SA KUWAIT, TPE AT ACCE CARGOES
RAPIDO NI TULFO NAIBALIK na sa Bureau of Customs at napirmahan na ni Commissioner Bienvenido Rubio, ang Deed of Donation na magbibigay daan sa pagpasa ng 25 containers mula Kuwait sa Department of Migrant Workers. Ito ang magandang balita na ibinahagi sa atin ni Asst. Commissioner at tagapagsalita ng Bureau of Customs Atty. Vince Maronilla sa ating programa sa DZME 1530 khz kahapon. Ayon kay Atty. Maronilla, ipapasa na nila sa DMW ang naturang dokumento upang masimulan na ang paglalabas ng containers at distribusyon ng mga laman nito matapos ang…
Read MoreQUEZON, NAKASUNGKIT NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE
TARGET NI KA REX CAYANONG MULI na namang pinatunayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, na ang mabuting pamamahala ay nagdudulot ng makabuluhang pagbabago para sa lahat. Sa pagkakamit ng 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), umangat ang Quezon bilang modelo ng responsableng pamahalaan at mahusay na paglilingkod. Ang SGLG, na itinuturing na pinakamataas na pagkilala para sa mga lokal na pamahalaan, ay sumasalamin sa dedikasyon ng Quezon sa pagpapatupad ng epektibong mga programa,…
Read More