PAGKAKATALAGA KAY MABILOG BILANG DILG USEC KINUMPIRMA NG MALAKANYANG

KINUMPIRMA ni Claire Castro ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog bilang undersecretary ng Department of the Interior and Local Government.

Pormal na nanumpa si Mabilog sa kanyang bagong tungkulin sa harap ni DILG Secretary Jonvic Remulla alas-9:30 ng umaga noong Miyerkules, Mayo 13.

“He took his oath with me at 9:30 a.m.,” ayon kay Remulla.

Matatandaang noong 2017 ay sinibak ng Office of the Ombudsman si Mabilog dahil sa kasong “serious dishonesty” kaugnay ng umano’y ilegal na pagkakamit ng kayamanan.

Napasama rin siya noon sa listahan ng umano’y “narco politicians” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bumalik sa Pilipinas si Mabilog noong 2024 matapos ang ilang taong pananatili sa ibang bansa dahil umano sa banta sa kanyang buhay at pamilya.

(CHRISTIAN DALE)

49

Related posts

Leave a Comment