PAGLALABAS NG SALN NI DUTERTE IPINAUBAYA SA OMBUDSMAN

BAHALA na ang Office of the Ombudsman na magpalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa mga taong 2018 hanggang 2019.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, may bagong guidelines na sinusunod ang Ombudsman sa paglalabas ng SALN.

Giit ni Roque, isang constitutional body ang Ombudsman kaya’t kung ano ang itinatakda nito patungkol sa proseso ng pagkuha sa SALN ng Chief Executive ay iyon na lamang ang sundin.

Batay aniya sa panuntunan ng Ombudsman, kailangang may permiso muna sa subject ng SALN para magbigay ito ng go signal sa isang nagre-request o nais makakuha ng kanyang Statements of Assets and Liabilities.

Tugon naman dito ni Roque, sundin na lang ang prosesong ipinatutupad.

Bago ito ay nauna nang iginiit ng Malakanyang na nagsusumite ng kanyang SALN ang Chief Executive.

Matatandaang sinabi ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na walang itinatago si Pangulong Duterte sa kanyang SALN.

Aniya, isinumite ng Pangulo ang kanyang SALN sa Office of the Ombudsman gaya ng nakasaad sa batas.

“The law requires the filing of SALN and the repository of records is the Ombudsman. So nasa Ombudsman ‘yun,” ani Sec. Panelo.

Aniya, ang Ombudsman ang dapat maglabas ng kopya ng SALN ng Pangulo subalit may ilalatag pa raw itong guidelines kaya hintayin muna ito.

Idinagdag pa ni Panelo, hindi kokontrahin ng Palasyo kung sakaling ilabas ng Ombudsman ang kopya ng SALN ng Pangulo. (CHRISTIAN DALE)

182

Related posts

Leave a Comment