Lumabag sa bike, motorcycle lane ordinance 100 MOTORISTA SINAMPOLAN NG HPG

AABOT sa isandaang motorista ang nasampulan ng Parañaque Traffic Parking Management Office at Highway Patrol Goup sa magkahiwalay na operasyon sa Parañaque City dahil sa paglabag sa bike at motorcycle lane sa kahabaan ng Sucat Road at sa Rotunda, EDSA, Pasay City.

Ayon kay Parañaque Traffic chief Teddy Barandino, sinimulan nitong Lunes ang panghuhuli ng Parañaque Traffic Enforcement Office sa mga pasaway na biker at motor riders na lalabag sa bike lanes na inilaan ng Parañaque City LGU.

Ayon pa kay Barandino, sa unang paglabag sa ordinansa ng lungsod ay magmumulta ng P500 ang bawat motor rider at biker na lalabag habang P1,500 naman ang multa sa mga pasaway na mahuhuli sa CCTV.

Ipinatutupad na ng Parañaque LGU ang bike at motorcycle lane sa magkabilang side ng Sucat Road simula Sucat Interchange hanggang sa SM Sucat sa Bgy. San Dionisio, at balikan.

Tiniyak naman ni HPG Team Leader PMaj. Grenas na kanilang gagawing regular ang pagpapatupad ng health protocols sa mga kotse, SUV, PUV at motor riders kaugnay sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19.

“Everyday po itong ginagawa nating operation sa iba’t ibang panig ng Metro Manila. Ang pag-check sa riding in tandem matagal nang ginagawa at nagte-training na ang mga pulis para sa dagdag pwersa,” sabi pa ni Maj. Grenas.

Samantala, sinabi ni Mario Jimenez, Public information Officer ng Parañaque na ipinag-utos na ni Mayor Edwin Olivarez ang full implementation ng ordinansa matapos ang isang buwang palugit sa mga rider. (DAVE MEDINA)

162

Related posts

Leave a Comment