‘TRILLANES LAW’ PINALULUSAW NI DUTERTE
SA alegasyong anti-professionals umano, itinutulak ni presidential son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na lusawin ang batas na inakda ni dating Sen.Antonio Trillanes IV na nag-oobliga sa mga professional na muling mag-aral para sa renewal ng kanilang lisensya.
Ang tinutukoy ni Rep. Duterte ay ang Republic Act (RA) No. 10912 o Continuing Professional Development Act of 2016 na unang ipinatupad noong 2017 na inakda umano ni Trillanes.
“This CPD law is uncalled for. To address this, we will file a bill repealing this anti-professional measure introduced by Trillanes. We can actually help our professionals meet global standards through other means, without passing the burden to them,” ani Duterte.
Sa ilalim ng CPD Law, lahat ng professionals ay kailangang sumailalim sa training o seminar para malaman ng mga ito ang mga bagong patakaran at batas na ipinatutupad ng estado, bago ma-renew ang kanilang lisensya.
Gayunman, sinabi ni Duterte na “anti-professional” ang batas na ito dahil pinahihirapan ang mga professional gayung maaari naman nilang malaman ang mga bagong batas sa pamamagitan ng sariling pag-aaral. BERNARD TAGUINOD
194 