PAGPONDO NG PAGCOR SA SEA GAMES IGINIIT SA KAMARA

seagames6

(NI ABBY MENDOZA)

SA harap na rin ng pagpapasara sa gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isang resolusyon ang inihain sa House of Representatives na humihiling na payagan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pondohan ang Philippine Sports Commission at Commission on Higher Education.

Nabatid na ang PCSO ang isa sa mga nagpopondo sa PSC at CHED at upang hindi maapektuhan ang nalalapit na SEA Games na gaganapin sa Nobyembre kung saan ang Pilipinas ang magsisilbing Host.ay dapat tugunan agad ang problema sa funding.

Sa resolusyong inihain ni Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin, Jr iginiit na  habang wala pang katiyakan ang kasasapitan ng PCSO sa harap na rin ng alegasyon ng korupsiyon ay dapat tiyakin na hindi maapektuhan ang mga programa ng PSC gayundin ng CHED.

Sinabi ni Garbin na mayroong pangangailangan na mahimok ang Presidente na gamitin ang kanyang executive powers at may power of the purse naman ang Kongreso na puwedeng magpahintulot sa Punong Ehekutibo na obligahin ang PAGCOR na umayuda muna sa PSC at CHED.

Inoobliga naman ng resolusyon ang PSC, CHED, DBM at DOF na tukuyin ang eksaktong halaga ng suportang pinansyal na kailangan nito mula sa PAGCOR upang masiguro na sapat ang pondo nito sa mga pangangailangan lalo na sa pag-aaral ng mga kabataan sa kolehiyo.

 

 

217

Related posts

Leave a Comment