Para sa 4.3M 4Ps beneficiaries, 600-M DOLYAR IPINAUTANG SA DSWD

TUMATAGINTING na 600 milyong U.S. dollar ang pinautang ng World Bank sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matugunan nito ang ayudang pera sa mga pinakamahihirap na Filipino.

Gagamitin ang $600 milyon sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Fast, Innovative and Responsive Service Transformation (First) ng DSWD, ayon sa World Bank na nakabase sa Washington D.C. Opisyal na inanunsyo ng World Bank ang pautang nito sa DSWD nitong Oktubre 1.

Mayroong 4.3 milyong Filipino ang benepisyaryo ng 4Ps ng DSWD.

Ang DSWD ay kasalukuyang pinamumunuan ng retiradong heneral mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Rolando Joselito Bautista.

Mayroong pondo ang DSWD para sa 4Ps sa buong 2020 at mayroon ding nakalaang pondo para sa 2021.

Ipinaliwanag ng World Bank na ang $600 milyon ay “critical to ensure that their children can remain in school and stay healthy as the country takes measures to control this pandemic.”

Nangangahulugang nadagdagan pa ng nakapalaking pera ang DSWD upang busugin ang mga napakahihirap na mga Filipino na kasapi ng 4Ps.

Hindi kasama sa makatatanggap ng ayuda ang milyun-milyong pamilyang Filipino na nakatira sa 18 milyong “bahay” na mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng administrasyong Duterte.

Dalawang buwang makatatanggap ng tig-P5,000 hanggang P8,000 bawat bahay mula sa DSWD.

Ngunit, sa ikalawang buwan ay naging apat na milyon ang benepisyaryo ng SAP.

Dahil sa ‘di kumpletong pagtupad sa utos ng Bayanihan to Heal as One Act, “nakatipid” ng P10 milyon ang DSWD, ayon sa mensaheng ipinarating sa Senado ng nasabing kagawaran.

Kaya, binatokos si Bautista ng ilang senador sa ilegal na desisyon.

Ayon sa ilang kongresista, maaaring kasuhan ng “malversation of public funds” si Sec. Bautista bilang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. (NELSON S. BADILLA)

69

Related posts

Leave a Comment