PARENTS, SCHOOL COMMUNITY PINATUTULONG VS BULLYING

HINIMOK ng Department of Justice (DOJ) ang mga magulang at buong school community na makipagtulungan upang matugunan ang problema ng bullying sa mga paaralan.

Sa Anti-Bullying Awareness Workshop na isinagawa sa Bagong Tanyag Integrated School sa Taguig City, iginiit ni DOJ Usec. Ian Norman E. Dato ang mahalagang papel ng bawat miyembro ng school community sa paglikha ng ligtas at suportadong kapaligiran para sa mga mag-aaral.

Ayon kay Dato, kailangang maging bahagi ng pagtugon sa bullying ang mga guro, magulang, school personnel at kapwa estudyante.

“It takes a whole school community—teachers, parents, school personnel, and fellow students—to create an environment where every child feels safe, heard, and supported,” ani Dato.

Sinabi ni Dato na hindi lamang ang mga batang nakararanas ng bullying ang dapat magsalita at kumilos laban dito.

Mahalaga rin aniya ang papel ng mga taong nakapaligid sa mga bata sa pakikinig sa kanilang mga hinaing, pagtugon sa insidente at pagbibigay ng kinakailangang suporta at proteksyon.

(JULIET PACOT)

87

Related posts

Leave a Comment