PATRICK, AYAW MAKAPAREHO ANG TEAM KRAMER

(NI BOY ABUNDA)

SIKAT na sikat ang Team Kramer sa social media na kinabibilangan ng mag-asawang Dough Kramer at Cheska Garcia at mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin. Talaga namang kinagigiliwan ng netizens ang videos ng pamilyang Kramer sa sarili nitong YouTube channel.

Maging ang nakababatang kapatid ng aktres na si Patrick Garcia ay gumawa na rin ng sariling channel para sa pamilya nito. “Garcia family. May mga episodes na kami sa YouTube. We have a vlog already pero ‘yung content we’re trying to change it.

Kasi ang hirap makahanap ng original content. It’s always the same eh. Let’s say with the family, you go to a place, you vlog your experience, parang ayaw na namin nang gano’n. Usually may slime challenge, may gano’n, iba-ibang version lang. So we paused the vlog for a while because ang gusto ko sana ang kids ang magho-host instead of me. May mga episodes na kami pero we’re waiting for the children na sila ang mag-host. Hopefully soon, wala pa date because Michelle is enjoying it. Kumbaga konting practice pa na mas ma-relax pa siya,” pagbabahagi ni Patrick.

Hindi umano tututulan ng aktor ang panganay na babaeng anak kung gusto rin ng mga itong pasukin ang show business balang araw. Tatlong babae ang anak ni Patrick kay Nikka Martinez at ngayon ay labing isang taong gulang na ang anak kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz. Sa ngayon ay ang pag-aaral muna ng mga bata ang gustong mangyari ni Patrick.

“It’s not yet time, siguro when she’s old enough to decide for herself. Kung gusto niya talaga mag-showbiz then why not? Kasi ‘yon din ang naging path ko. As of now, enjoy-in muna namin siya. siguro when she’s a teen na, 16 or 17 years old. Ayoko namang sobrang aga. Michelle for now she’s in ballet and dancing. She’s six years old now,” giit niya.

Hindi raw humihingi ng tips ang aktor kay Cheska o sa Team Kramer tungkol sa pagiging isang video blogger. “I don’t ask for tips. We watch them and we want to be different. So I don’t want to ask for tips kasi ayokong maging pareho sa kanila,” pagtatapos ng aktor. With reports from J.C.C.

 

408

Related posts

Leave a Comment