PDU30 TAHIMIK SA MUNGKAHING MAGING DRUG CZAR

WALA pang tugon ang Malakanyang kung ano ang posisyon ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa mga pinalulutang na ideyang siya ang kuning drug czar sa susunod na administrasyon.

Nauna nang nagpahayag si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na walang problema kung sasama si Pangulong Duterte sa kanyang administrasyon at maging drug czar.

“If he wants to,” ayon kay Marcos, Jr. sa posibilidad na makasama sa kanyang administrasyon ang outgoing President para sa nasabing posisyon.

Nang tanungin si Marcos kung ito ay standing offer, tumugon siya na hindi pa nila pinag-uusapan ni Pangulong Duterte ang bagay na ito.

“No, he has not, we have not talked about it. But I am open to anyone who is able to help in the government so matagal na kaming magkaibigan ni PRRD, noong mayor pa siya long long time ago,” anito.

“So I’m sure if he wants to play a part sasabihin naman niya sa akin, I am certainly open to that,” dagdag na pahayag ni Marcos.

Napaulat na hiniling ni Pangulong Duterte kay Marcos, Jr. sa isang pag-uusap bago pa ang eleksyon na ipagpatuloy nito ang kanyang drug war.

“Ang napapag-usapan namin bago pa mag-election, basta itong mga bagay na ito ituloy mo, that is the request that is so important to him. Still, siyempre yung kanyang priority is the anti-drug problem,” ayon kay Marcos. (CHRISTIAN DALE)

131

Related posts

Leave a Comment