(NI BETH JULIAN)
HINDI papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mabakanteng puwesto sa PhilHealth.
Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na nagsabing mahalaga ang papel ng board member ng organisasyon lalo na’t iniiwasan ng Pangulo na maantala ang mga proseso sa PhilHealth para agad na maserbisyuhan ang mga Filipino.
Sa ngayonm ayon kay Nograles, pinag-aaralan pa ng Pangulo kung sino ang maaari at kwalipikadong pumalit sa mga opisyal ng PhilHealth na pinagsumite ng courtesy resignation.
Sa ngayon ay bakante pa rin ang puwesto ng mga board members ng PhilHealth matapos ang paghahain ng courtesy resignation ng mga dating nakapuwesto kaugnay ng nabunyag na ghost dialysis treatment.
Bunsod nito ay wala pang nakatakdang mga aktibidad ngayon dahil naghihintay pa sila sa magiging aksiyon ng Malacanang sa courtesy resignation.
