Php65.6-M ayuda inilaan ng PAGCOR sa typhoon, flood victims

Ibinababa ng mga volunteer ang relief packs na ipinagkaloob ng PAGCOR para sa mga pamilyang naapektuhan ng Tropical Cyclones Luis at Maymay at Habagat.

Nagkaloob ang PAGCOR ng paunang Php65.60 milyon na food at non-food assistance para sa mga lugar sa Luzon at Metro Manila na naapektuhan ng Tropical Cyclones Luis at Maymay at ng Habagat.

Sa kabuuang 47,192 relief items, 23,596 ay food packs na nagkakahalaga ng Php28.91 milyon at 23,596 naman ang non-food packs na nagkakahalaga ng Php36.69 milyon.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, nagsimula nang mamahagi ang ahensya ng relief packs noong Agosto 8 para sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

“Calamities cause immediate burden on families, particularly when basic needs become difficult to secure. PAGCOR is committed to providing timely assistance to communities that need them most,” ani G. Tengco.

Kasama sa mga nakatanggap at makatatanggap ng ayuda ang Bulacan, La Union, Baguio City, Isabela, Nueva Ecija, Cavite at Rizal, gayundin ang ilang bahagi ng Pangasinan, Quezon, Batangas, Camarines Norte, Abra, Laguna at Pampanga.

Sa Metro Manila, naglaan din ng tulong para sa Parañaque at Marikina.

Dahil sa malalakas na ulan dulot ng mga bagyo at Habagat, nakaranas ng matinding pagbaha ang ilang lugar sa Luzon at Metro Manila, na nakaapekto rin sa mga klase at operasyon ng pamahalaan.

Sinabi ni G. Tengco na patuloy na makikipagtulungan ang PAGCOR sa mga government partner para maihatid ang tulong sa mga komunidad na apektado ng kalamidad.

“We will continue to stand with our kababayans in times of need. Through our continuing disaster response efforts, PAGCOR will do its part to help affected communities recover and get back on their feet,” aniya.

107

Related posts

Leave a Comment