PINAS BIGGEST IMPORTER NG BIGAS, IKINABAHALA

rice19

(NI NOEL ABUEL)

IKINABAHALA ni Senador Kiko Pangilinan ang pagdaig ng Pilipinas sa bansang China sa usapin ng rice importation  sa buong mundo.

“We should all be deeply worried by news that the Philippines has surpassed China as the world’s biggest importer of rice,” giit ni Pangilinan.

Hindi aniya katanggap-tanggap na umaasa ang mga Pilipino sa ibang bansa para sa pagkain partikular ang kanin.

“This means that our country has become perilously dependent on other nations for our everyday food, sa ating araw-araw na sinaing. We are set to reach a record-high three million metric tons of rice imports this year while China is only importing 2.5 million metric tons. Ano ang mangyayari sa atin kapag hindi tayo binentahan ng bigas ng ibang bansa? Literally, nganga,” pangamba pa ng senador.

Sinisisi nito ang pag-asa ng bansa sa ibang bansa sa dinaranas na kahirapan ng mga magsasaka dahil sa pag-i-import ng tone-toneladang bigas.

“This food insecurity is aggravated by the impact of rice imports on our farmers. Sa pagbagsak ng presyo ng palay, karamihan sa ating mga magsasaka ang nalugi. Sino pa ang aasahan natin na magtanim ng ating pagkain kapag ang ating mga magsasaka ay gutom at lugi?” tanong pa ni Pangilinan.

Kailangan aniya ng urgent action tulad ng pagkakaloob ng cash assistance sa mga magsasaka at pagtataas ng taripa sa rice imports.

“Huwag na nating hintaying maubos ang ating mga magsasaka at tuluyan tayong umasa sa ibang bansa para sa ating pagkain. Let us protect our farmers now to protect our food security,” aniya pa.

 

249

Related posts

Leave a Comment